Thursday, April 27, 2006

rerun

ang kwento ko ngayon ay tungkol sa subconscious.
noong fourth year ako, mga fourth quarter yun, may kaklase akong madalas (if not palagi) kong kasabay sa jeep pauwi. itatago natin siya sa pangalang "penshoppe."
dahil babae si penshoppe, minsan libre ko na ang pamasahe. minsan lang. lalang. tapos ako yung mag-aabot ng pamasahe namen sa driver.
"ma, bayad po..."
tapos tinanong ako ni penshoppe. "bakit kapag nagbabayad ka ng pamasahe lumalalim ang boses mo?"
hmm... napaisip ako. totoo nga naman, kapag nagbabayad ako ng pamasahe, palaging malalim boses ko. yung tipong pang-21 years old... e 18 lang ako nun a! ... o sige na nga, 17! ... ... ... fine! 16 years old ako nun! masaya ka na?
hindi ko nasagot nang maayos si penshoppe. sinabi ko na lang, "pamapa-impress?" lalang. hindi ko talaga alam.
tapos, hindi ko alam kung paano, bakit, pero bigla ko siyang na-figure out kung bakit.
noong maliit pa ako, kinder yata yun, kasama ko ang nanay ko sa jeep. tapos kumuha siya ng pamasahe namin, sabi niya sa akin iaabot ko daw sa driver.
e di syempre, ako naman si excitement, first time magbabayad sa jeep. sumigaw ako.
"ma, bayad po!"
ang tining ng boses ko! paksyet! alam mo yung boses ng mga batang nagsisigawan pag nag-aaway sila? sakit sa tainga di ba? sabi ng tatay ko boses p*ke daw. ganun.
at ang masama pa, pinagtawanan ako ng lahat ng mga tao. mga peste! inconsiderate! alam namang bata e! may nanukso pa nga yatang mukhang bading yung boses mo. nakakapikon. literal na 'nakakapikon' a.
kaya ayun siguro, ngayon kapag nagbabayad ako sa sasakyan, palagio malalim boses ko. hehehehehehe. penshoppe, kung kilala mo ang sarili mo, ayan ha! nasagot ko na ang tanong mo. yey!
tapos na ang kwentong subconscious. naalala ko lang kasi may kumalat na rumor sa amin na highest daw ako sa midterm exam sa psych1. salamat sa rumor.

1 comment:

master choi said...

kamusta naman 'yon?

About Me

My photo
Ako si Master Choi. Bakit tayo mag-aaksaya ng panahon sa "about me" kung pwede ko namang ipabasa na lang ang blog ko? Eventually makikilala niyo rin ako. Hehe!

How does version 4.0 fare?